Interview: Win 2 Tickets to Pacquiao vs. Mayweather Fight! 0 350

Former WBC Boxing Champion, Jovi Halog, shares the details on how to win the 2 tickets to the upcoming Pacquiao vs. Mayweather fight.

Here’s the transcript of the interview:

Q: Jovi gaano ka na katagal nag boboxing?

A: 15 years na.

Q: Paano ka nagsimula mag boxing?

A: Sa Mindanao pa lang, sa amateur pa lang. Tapos doon kami nag ka kilala ni Manny Pacquiao, hanggang dumating ng Maynila. Mga bata pa kami noon. 12-14 (years old) siya, ako naman mga 16-17.

Q: Puede mo ba ma describe kung papaano ka dito nakarating sa Amerika?

A: Pinetisyon ako ni Don King. Lumaban muna ako sa France, bali bata ni Don King tinalo ko bago ako kinuha ni Don King. Kinuha ko yung belt doon sa France bago ako napunta dito sa Amerika tapos sabay kami ni Manny, papunta rin siya dito. Bali training niya noon, tapos ako naman may laban kay Marquez.

Q: Pagdating naman dito sa Amerika, ilan naman ang nakalaban mo dito?

A: Tatlo, pangatlo si Marquez. Siya ang kumuha sa akin ng belt.

Q: Ilang taon bago pumunta dito si Manny?

A: Sabay kami.

Q: Ngayon part ka na ng Team Pacquiao, ano ang mga responsibilites mo? Paano mo siya tinutulunga?

A: Responsibility ko lang ay pagmamasahe sa kanya. Kung saan ang masakit sa katawan niya minamasahe ko hanggang papunta ng laban. Tapos dinala niya rin ako sa Pilipinas, pag pinapatawag niya ako. Tapos uuwi rin ako dito, sabay kami pumunta dito hanggang sa may laban siya, kaya napunta ako sa kanya.

Q: Huling tanong, ito ang pinaka importanteng tanong. Puede ba kami makahingi ng tickets?

A: Oo, yung kukunin natin na ticket bali paparaffle na natin yun. Ako mismo ang mag aabot sa inyo. I-like niyo yung MyBalitz.com

There you have it folks. You heard it from the man himself, Jovi Halog, please like our Facebook page, MyBalitz and share our “Win 2 Tickets” post to get a chance to see the fight of the century, Pacquiao vs. Mayweather. We’ll announce the winner live, so make sure you stay tuned for details.

Previous ArticleNext Article

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *